Home > Privacy Policies > Patakaran ng Pagkapribado
ANG AMING OBLIGASYON SA PAGKAPRIBADO
Ang Illuminas Global (“Illuminas”) ay isang propesyonal na ahensiya ng marketing intelligence na gumagamit ng siyentipikong mga pamamaraan upang makakuha ng kaalaman sa partikular na mga paksa na may kaugnayan sa aming mga kliyente. Ang anumang mga impormasyon na iyong ibibigay sa Illuminas ay tanging gagamitin lamang para sa lehitimong pananaliksik o pang-statistical na mga layunin at hindi kailanman magreresulta sa isang pagtatangka na pagbentahan ka ng anumang bagay base sa iyong mga kasagutan. Mahigpit kaming sumusunod sa mga pagsasanay at patnubay na iginagalang ang karapatan ng isang indibidwal sa pagkapribado at ibinibigay ang sumusunod na mga pangako sa lahat ng mga proyekto ng pananaliksik:
PAUNAWA:
- Sa aming pagkamit ng iyong kooperasyon, hindi ka namin lilinlangin tungkol sa katangian ng pananaliksik o sa mga paggamit na gagawin base sa mga natuklasan dito.
- Hindi ka namin padadalhan ng hindi hinihinging mga email o ipapasa ang iyong (mga) email address para sa ganitong layunin. Kung nais namin na padalhan ka ng email sa hinaharap o makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng iba pang mga pamamaraan, hihingi muna kami ng malinaw na pahintulot para dito.
- Sa mga bihirang pagkakataon, maaari kaming paminsan-minsan na gagamit ng mga “cookie” (Ang cookie ay isang piraso ng impormasyon na ipinapadala ng mga webserver sa iyong browser file kapag bumibisita ka sa isang website. At pagkatapos, kung babalik ka sa website na iyon, malalaman ng website kung mayroon kang mga cookie sa iyong browser file.) at iba pang katulad na mga aparato para sa layunin ng quality control, pagbeberipika, o upang mapigilan ang nakakaabalang pagbibigay ng paulit-ulit na survey. Maaari mong isaayos ang iyong browser upang masabihan ka kung mayroong mga cookie na inilalagay sa iyong computer o kaya upang tanggihan nang lahat-lahatan ang pagtanggap ng mga cookie.
- Gumagamit ang Illuminas ng isang network ng mga ikatlong partidong mga vendor upang ma-proseso at mapag-aralan ang data, na base sa kanilang kontrata sila ay obligado na gamitin lamang ang iyong impormasyon para sa pananaliksik at statistical na mga layunin.
PAGPIPILIAN:
- Kung ninanais mo na hindi sumali sa mga panghinaharap na survey, magpadala lamang ng isang email sa [email protected] o sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang liham sa address na matatagpuan sa ibaba. Layunin namin na sagutin ang bawat isa sa mga email sa loob ng isang business day. Ngunit kung maaari, bigyan niyo sana kami ng 1-2 linggo para makumpleto namin ang pagtanggal o pagbura ng iyong data.
- Ang lahat ng impormasyon na iyong ibibigay ay kompidensiyal at iuulat sa paraan na hindi makikilala ang mga taong kaugnay dito. Sa mga bihirang pangyayari, maaari kaming humiling ng pahintulot na gamitin ang ilan sa mga kasagutan sa isang anyo na kung saan ikaw ay personal na makikilala. Sa mga ganoong kaso, ang impormasyon na ito ay ipapasa lamang kapag mayroon kaming ipinahayag na pahintulot mula sa iyo at para lamang sa mga layunin na binanggit.
- Ang iyong kooperasyon ay boluntaryo sa lahat ng panahon. May karapatan ka sa anumang yugto ng interview o survey, o kaya pagkatapos nito, na hilingin na ang ilang bahagi o ang lahat ng iyong impormasyon ay sirain o burahin. Kung saanman ito makatwiran at praktikal, isasakatuparan namin ang naturang kahilingan.
- Parati ka naming bibigyan ng pagkakataon na piliing huwag sumali bago ang iyong Personal na Impormasyon ay (1) ma-isiwalat sa isang ikatlong partido (maliban na lamang kung ito ay sa isang ahente na nagtatrabaho ayon sa aming tagubilin), o (2) upang gamitin para sa isang layunin na makabuluhang kakaiba ayon sa dahilan na kung bakit ito orihinal na kinolekta o pagkatapos ay binigyan mo ng pahintulot. Ang tanging eksepsiyon sa pagpili na ito para sa sensitibo at pati na rin hindi sensitibong Personal na Impormasyon ay ang kalagayan na kung saan kinakailangan naming isiwalat ang iyong Personal na Impormasyon alinsunod sa isang pag-uutos ng gobyerno o hustisya, batas o regulasyon upang makamit ang mga pangangailangan ng pambansang seguridad o pagpapatupad ng batas.
- Hindi namin sasadyaing makipanayam ang mga tao na mas bata pa sa edad na 15 taong gulang nang hindi muna humingi ng pahintulot mula sa kanilang magulang o tagapangalaga.
PAGLIPAT NG PERSONAL NA IMPORMASYON SA IBANG NILALANG (“ONWARD TRANSFER”):
- Ang lahat ng mga Ikatlong partido ay may obligasyon base sa kanilang kontrata na panatilihing ligtas at buo ang iyong impormasyon.
- Base sa kanilang kontrata, maaari lamang gamitin ng mga Ikatlong partido ang impormasyon na ibinigay para sa pananaliksik o pang-statistical na mga layunin. Wala nang iba pang paggamit ng iyong impormasyon na pinahihintulutan.
- Maaaring kinakailangang isiwalat ng Illuminas ang personal na impormasyon bilang kasagutan sa makatarungan na mga kahilingan mula sa mga pampublikong awtoridad kabilang ang upang makamit ang mga pangangailangan ng pambansang seguridad o pagpapatupad ng batas.
- Sa mga kaso ng paglipat sa mga ikatlong partido ng data ng mga indibidwal na taga-EU at Swiss na natanggap alinsunod sa EU-U.S. na Privacy Shield o sa Swiss-U.S na Privacy Shield, ang Illuminas ay maaaring manatiling may pananagutan.
KAKAYAHANG MAKUHA:
- Ang impormasyon na kinolekta ng Illuminas ay tanging pino-proseso para sa pananaliksik o pang-statistical na layunin.
- Kung nais mong makita, baguhin, o kumpirmahin na ang Illuminas ay may personal na data na may kaugnayan sa iyo, o kung nais mong itama o burahin ang iyong Personal na Impormasyon kung ito ay mali, magpadala lamang ng isang email sa [email protected]. Sasagutin namin ang iyong kahilingan sa loob ng isang makatwirang panahon.
- Hinihikayat ka namin na magpadala ng email sa [email protected] upang matugunan ang anumang mga alalahanin o katanungan na mayroon ka.
SEGURIDAD:
- Mayroong mga pamamaraan sa seguridad ang aming web site at internal na network upang maprotektahan ang pagkawala, maling paggamit, at pagbabago ng impormasyon na nasa ilalim ng aming kontrol.
- Ang mga awtorisadong empleyado at mga kasosyo na obligado base sa kanilang kontrata lamang ang tanging may kakayahan na makuha ang impormasyon na iyong ibibigay sa amin. Ang kanilang kakayahan na makuha ang mga ito ay tangi lamang para sa layunin ng pananaliksik, pang-statistical na pagsusuri at quality control.
- Ang personal na data ay itatago sa loob ng labindalawang (12) buwan matapos na makumpleto ang proyekto ng pananaliksik, o kaya kung gaano man katagal ayon sa pangangailangan ng mga layunin na kung saan ito ay orihinal na kinolekta.
- Ang Illuminas ay hindi nagbebenta o nagpapaupa ng anumang personal na makakikilalang impormasyon sa mga ikatlong partido.
- Kung sakali mang magkaroon ng muling pagsasaayos ng kumpanya, pagsama ng kumpanya sa iba, o pagbenta ng kumpanya sa iba, maaari naming ilipat ang alinman at lahat ng personal na impormasyon sa nauugnay na ikatlong partido.
- Hindi kumukolekta ang Illuminas o may kakayahang makakuha ng anumang personal na impormasyon ukol sa pananalapi (hal. social security, credit card, account sa bangko).
ANG PAGKABUO NG DATA:
- Ipo-proseso lamang ng Illuminas ang Personal na Impormasyon sa isang paraan na katugma at may kaugnayan sa layunin na kung saan ito ay kinolekta o pinahintulutan ng indibidwal.
- Kokolektahin lamang ng Illuminas ang hindi-sensitibong impormasyon sa anyo ng impormasyon upang makipag-ugnayan (hal. pangalan, email address) para sa layunin ng aming pananaliksik.
- Magsasagawa ng makatwirang mga hakbang ang Illuminas upang masiguro na ang Personal na Impormasyon ay tama, kumpleto, pangkasalukuyan at maaasahan para sa kanyang nilalayon na paggamit.
PAGSUNOD SA PATAKARAN:
- Gumagamit ang Illuminas ng isang pamamaraan ng sariling pagtatasa upang masiguro ang pagsunod sa patakaran ng pagkapribado na ito at sa papana-panahon ay biniberipika na ang patakaran ay tama, komprehensibo para sa impormasyong nilalayon na sakupin, ipinapakita sa isang paraan na madaling mapansin, lubos na isinasakatuparan at makukuha at alinsunod sa mga prinsipyo. Hinihikayat namin ang mga interesadong tao na sabihin ang anumang mga alalahanin sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyon ng pakikipag-ugnayan na ibinigay at iimbestigahan namin at pagtatangkaang lutasin ang anumang mga reklamo at hindi pagkakasunduan tungkol sa paggamit at pagsisiwalat ng personal na impormasyon alinsunod sa mga prinsipyo.
ANONG PERSONAL NA DATA ANG KINOKOLEKTA AT PINO-PROSESO?
- Maaaring kabilang sa mga Personal na Data na pino-proseso ang iyong pangalan, address, telephone number, email address, petsa ng kapanganakan, at iba pang impormasyon na katulad ng mga ito. Maaaring direktang mangolekta ng Personal na Data ang Illuminas mula sa iyo kapag iyong boluntaryong ibinigay ito sa Illuminas o maaaring makuha ang Personal na Data ng Illuminas mula sa aming mga Panel Owner, mga Kliyente o mga kumpanya na may kaugnayan sa pananaliksik sa merkado na nakakuha ng pahintulot mula sa isang Kalahok. Para sa mga Panel Member ng isang panel ng isa sa aming mga Panel Owner, mangongolekta ang Illuminas ng data na alinsunod sa kanilang mga tagubilin.
- Maaari ring makakuha ang Illuminas ng Personal na Data mula sa mga may-ari ng database na nangako sa amin na ang kanilang mga database ay binubuo lamang ng mga indibidwal na nagbigay ng pahintulot na makasali at pumapayag na maipamahagi ang kanilang Personal na Data. Sa pagtatapos, maaaring kolektahin at gamitin ng Illuminas ang Personal na Data na nakuha mula sa mga pampublikong mapagkukunan, tulad ng mga directory ng telepono.
ANONG IMPORMASYON ANG KINOKOLEKTA NG MGA AWTOMATIKONG TEKNOLOHIYA?
- Maaaring awtomatikong kumolekta ang Illuminas ng ilang mga impormasyon. Depende sa bansa na kung saan ka nakatira, ang naturang impormasyon ay maaaring isinasaalang-alang na Personal na Data. Kabilang sa naturang impormasyon ang, ngunit hindi limitado sa, impormasyon tungkol sa iyong device at ang kakayahan ng iyong device kabilang ang, ngunit nang walang limitasyon, ang operating system ng device, impormasyon tungkol sa cookie, IP address, uri ng device, uri ng browser, at iba pang impormasyon na sa kanyang sarili o kaya kung pinagsama sa iba ay maaaring magamit upang natatanging makilala ang iyong device.
MGA PAGBABAGO
Ang patakaran ng pagkapribado na ito ay maaaring sa papana-panahon ay mabago ayon sa mga pangangailangan ng Privacy Shield. Ilalagay namin ang anumang nagbagong patakaran sa website na ito. Ang bersiyon na ito ng patakaran ng pagkapribado ng Illuminas ay huling binago noong ika-Marso 8, 2021.
OBLIGASYON NA PROTEKTAHAN
Sumusunod ang Illuminas sa EU-U.S. na Privacy Shield Framework at sa (mga) Swiss-U.S. na Privacy Shield Framework (Privacy Shield) na itinakda ng U.S. Department of Commerce patungkol sa pangongolekta, paggamit, at pagpapanatili ng personal na impormasyong inilipat sa United States mula sa European Union, United Kingdom, at Switzerland nang may pagtitiwala sa Privacy Shield. Idineklara ng Illuminas sa Department of Commerce na sumusunod ito sa Privacy Shield Principles nang may paggalang sa naturang impormasyon. Kung may anumang salungatan sa pagitan ng mga tuntunin sa patakaran ng pagkapribado na ito at sa Privacy Shield Principles, dapat mangibabaw ang Privacy Shield Principles. Upang malaman pa ang tungkol sa programang Privacy Shield, at para matingnan ang aming sertipikasyon, pakibisita ang https://www.privacyshield.gov/.
Bilang pagsunod sa mga Prinsipyo ng EU-U.S. at Swiss-U.S. na Privacy Shield, may obligasyon ang Illuminas na lutasin ang mga reklamo tungkol sa iyong pagkapribado at ang aming pagkolekta o paggamit ng iyong personal na impormasyon. Ang mga taga-European Union o Swiss na indibidwal na may mga katanungan o reklamo tungkol sa patakaran ng pagkapribado na ito ay dapat munang makipag-ugnayan sa Illuminas sa:
RE: Privacy Shield
Jacob Manhart
3801 S Capital of Texas Hwy Suite 200
Austin, Texas 78704
United States of America
May karagdagang obligasyon ang Illuminas na ipasa ang mga hindi nalutas na mga reklamo sa ilalim ng mga Prinsipyo ng EU-U.S. at Swiss-U.S. na Privacy Shield sa INSIGHTS ASSOCIATION PRIVACY SHIELD PROGRAM, isang hindi pangkalakal na alternatibong tagapagbigay ng serbisyo na tagapaglutas ng mga hindi pagkakasunduan na matatagpuan sa Estados Unidos at pinatatakbo ng Insights Association. Kung hindi ka nakatanggap ng napapanahon na pagkilala ng iyong reklamo, o kung ang iyong reklamo ay hindi kasiya-siyang natugunan, mangyaring bisitahin po lamang ang https://www.insightsassociation.org/get-support/privacy-shield-program/privacy-shield-eu-swiss-citizens-file-complaint [SL1] para sa karagdagang impormasyon at upang makapagsampa ng isang reklamo. Ang mga serbisyo ng paglutas ng hindi pagkakasunduan na ito ay ibinibigay nang walang gastos sa iyo.
Ang Illuminas ay napapailalim sa mga kapangyarihan ng pagsisiyasat at pagpapatupad ng U.S. Federal Trade Commission (Pederal na Komisyon sa Kalakalan o “FTC”).
Sa ilalim ng ilang mga natatanging kondisyon, maaaring humiling ang mga indibidwal ng pagpapahatol ng isang tagapamagitan na dapat masunod sa harap ng Privacy Shield Panel na binuo ng U.S. Department of Commerce at ng European Commission.
IMPORMASYON SA PAKIKIPAG-UGNAYAN
Maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa [email protected] o kaya sa pamamagitan ng pagsulat ng isang liham sa Attn: Privacy Policy, 3801 South Capital of Texas Hwy, Ste 200, Austin, TX 78704 upang maipahayag o mapag-usapan ang anumang mga alalahanin tungkol sa isang indibidwal na survey o mga katanungan tungkol sa aming pangkalahatang mga pamamaraan sa pananaliksik. Kami ay mga miyembro ng Insights Association at sumusunod sa kanilang mga alituntunin ng pag-aasal para sa pananaliksik sa merkado. Lahat ng mga proyekto ng pananaliksik ay ginagawa din alinsunod sa mga kundisyon ng ICC/ESOMAR International Code of Marketing and Social Research Practice.